Lunes, Disyembre 31, 2012

SINO SI SAJID BULIG?

1993: Paglubog ng Pagoda

May kulang-kulang sa 300 katao ang nalunod noong Hulyo 2, 1993 sa paglubog ng sinasakyang Pagoda sa pagdiriwang ng mga Katolikong deboto ng kapistahan ng Banal na Krus sa Bulacan. Nangyari ito habang binabagtas ang ilog ng Bocaue. Ito ay tinaguriang Bocaue Pagoda Festival.
Sa gitna ng sayawan, kantahan, kainan, at kasiyahan ng mga deboto ay unti-unti itong lumubog. Higit sa nararapat na bilang ng tao ang sakay ng Pagoda. Ang hindi pantay na bigat sa magkabilang bahagi nito kasabay ang pagdagsa ng mga tao ang nakikitang dahilan nito.
Dahil sa pangyayari, sinimulan ng pamahalaan ang taunang pagsisiyasat sa Pagoda at iba pang materyales na gagamitin upang masigurado ang katiwasayan ng pagdiriwang. Ang grupong pinangunahan ni Richard Gordon ang unang nagbigay pansin at tulong sa pangyayari. Pansamantalang natigil ang pagdaos ng okasyon mula 1994 hanggang 1999 at sinimulan muli noong 2000.
Sa kabila nito, may natatanging parangal ang iginawad kay Sajid Bulig, isang mag-aaral sa elementarya, na namatay matapos iligtas ang apat na bata sa pagkakalunod. Ang kanyang katapangan at kabayanihan ay kinilala at naging laman ng aklat na "Ang Lahing Pilipino Sa Nagbabagong Panahon" na akda nina Rose Sablaon and Lazelle Rose Pelingo. Siya ay itinuring na isang Makabagong Bayani. Ito ay nailathala noong Pebrero 2007 at ginagamit na sa pribado at pampublikong paaralan.
Ang Bocaue Pagoda Festival ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng buwan ng Hulyo.

Summary:



Sa Hulyo 2, 1993, isang pagoda dala ng daan-daan ng mgaKatoliko devotees sa panahon ng taunang pagoda pagdiriwangsa Bocaue, Bulacan sank sa maputik na Ilog Bocaue. Tungkol sa279 mga tao, kabilang ang mga bata, na nabuwal sa pangyayarina ang. Isang biktima, Sajid Bulig, namatay ang isang bayani napagkatapos mag-sagip ng mga apat na mga anak ng ilog.

NAgAWA
-Pagsagip sa mga nalunod dahil sa paglubog ng pagoda

Katangian
Salat sa buhay
Monorde edad na bata
Matapang

PINAGKUHANAN
http://tl.answers.com/Q/Talambuhay_ni_Sajid_Bulig