1993: Paglubog ng Pagoda
May kulang-kulang sa 300 katao ang nalunod noong Hulyo 2, 1993 sa
paglubog ng sinasakyang Pagoda sa pagdiriwang ng mga Katolikong deboto
ng kapistahan ng Banal na Krus sa Bulacan. Nangyari ito habang
binabagtas ang ilog ng Bocaue. Ito ay tinaguriang Bocaue Pagoda Festival.
Sa gitna ng sayawan, kantahan, kainan, at kasiyahan ng mga deboto ay
unti-unti itong lumubog. Higit sa nararapat na bilang ng tao ang sakay
ng Pagoda. Ang hindi pantay na bigat sa magkabilang bahagi nito kasabay
ang pagdagsa ng mga tao ang nakikitang dahilan nito.
Dahil sa
pangyayari, sinimulan ng pamahalaan ang taunang pagsisiyasat sa Pagoda
at iba pang materyales na gagamitin upang masigurado ang katiwasayan ng
pagdiriwang. Ang grupong pinangunahan ni Richard Gordon ang unang
nagbigay pansin at tulong sa pangyayari. Pansamantalang natigil ang
pagdaos ng okasyon mula 1994 hanggang 1999 at sinimulan muli noong 2000.
Sa kabila nito, may natatanging parangal ang iginawad kay Sajid Bulig,
isang mag-aaral sa elementarya, na namatay matapos iligtas ang apat na
bata sa pagkakalunod. Ang kanyang katapangan at kabayanihan ay kinilala
at naging laman ng aklat na "Ang Lahing Pilipino Sa Nagbabagong Panahon"
na akda nina Rose Sablaon and Lazelle Rose Pelingo. Siya ay itinuring
na isang Makabagong Bayani. Ito ay nailathala noong Pebrero 2007 at
ginagamit na sa pribado at pampublikong paaralan.
Ang Bocaue Pagoda Festival ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng buwan ng Hulyo.
Summary:
Sa Hulyo 2, 1993, isang pagoda dala ng
daan-daan ng mgaKatoliko devotees sa panahon ng taunang pagoda
pagdiriwangsa Bocaue, Bulacan sank sa maputik na Ilog Bocaue. Tungkol
sa279 mga tao, kabilang ang mga bata, na nabuwal sa pangyayarina ang.
Isang biktima, Sajid Bulig, namatay ang isang bayani napagkatapos
mag-sagip ng mga apat na mga anak ng ilog.
NAgAWA
-Pagsagip sa mga nalunod dahil sa paglubog ng pagoda
Katangian
Salat sa buhay
Monorde edad na bata
Matapang
PINAGKUHANAN
http://tl.answers.com/Q/Talambuhay_ni_Sajid_Bulig